top of page

Sohoton
Bago makarating ang grupo sa Sohoton, bumungad sa amin ang putikang daan dulot ng minahan ng nikel sa Surigao. Kalbo ang mga bundok. Hindi pala, nahukay na ang puso ng mga bundok, saka naman ito itinambak sa dalampasigan na nagmukhang bulubundukin.
Pagkatapos ay sinalubong din kami ng malalakas na alon-- tumilamsik sa mga mukha namin at bumuhos sa mga dalang gamit. Pagkatapos doon sa dulo, may natatago pang ganda. May natitira pa palang ganda bago sirain uli ng mga tao.
Ang nakakalungkot? Pinagmasdan lang ng grupo namin ang mga maninisid na kuhanin ang malalaking corals sa dagat. Siguro sila ay kami rin-- sinisira ang mundong nakakabighani sana.

bottom of page