top of page

Mga 'di kapani-paniwalang kwento at iba pa

Ang gray. Kahit maraming nangyari nitong nakaraan, parang nagsama-sama ang mga alaala at naging gray na lang ang mga makukulay na nakaraan. 

​

Nagbackpack ako sa isang lugar na puno ng rebelde. Napagkamalan akong rebelde. Marami sa mga taong nakasalamuha ko ay pinaghihinalaan akong rebelde. Pinipigilan nilang pumunta sa lugar na iyon dahil may namatay na Ranger, militar daw ang may gawa, pero pinapalabas nilang rebelde ang may sala. Napasimba ako nang di oras dahil wala akong makapitan na pamilya nung mga pagkakataon na iyon. Walang signal sa lugar. At lumulubog ang tulay tuwing tag-ulan. Tag-ulan ako nagawi sa lugar at palaging may brown-out. Napauwi nang maaga sa paglalakbay dahil natakot ako para sa sariling kaligtasan.

​

'Yung nayon, delikado. Pero mababait pa rin ang mga tao. Kahit pinaghihinalaan nila akong espiya-- ng mga militar at ng mga rebelde-- pinakain nila ako at 'di pinabayaan nung nagkasakit. 

​

Tapos nadestino sa ibang klaseng kagubatan. Napunta sa pusod ng bansa. Magulo. Maingay. Madumi. Mausok. May mga taong mababait. Pero marami ring taong nagmamadali, walang panahon para maging mabait. Napunta ako dun sa mejo posh na neighborhood. Ang tawag nila ay Ayala Alabang. Ung tipong luxury cars ang nakaparada sa malls sa paligid, maluluwag na kalsada na puro express way, may mga puno at sariwang hangin (relatively). Pero all comes with a price. Ung mararamdaman mo talagang dukha ka kapag kakain sa labas, dahil kalahati ng arawang sweldo ang normal meals. 

​

Sa pagitan ng mga iyon, nahulog ako. Sa kanal, sa ilog, sa isang tao. Ayun, tinamaan ng magaling. At sinong maniniwalang may makakapasok sa nagtataasang walls ng buhay ko? Kahit ako di makapaniwala. 

​

At sino ring maniniwalang naghiwalay kami? Matapos ang mahigit isang taon naming pagsasama, bumabalik ako sa sarili ko at sa bayan. Kasi mas kailangan ako dito sa bansa kaysa sa piling niya.

DSCF9037.JPG

Ang alon

Malaki ang alon ngayon. Parang lalamunin ako nang buo ng dagat kapag nagtangkang lumusong. 

​

Sa unang hakbang, tinutumba ako. Pero natutunan ko ring makiindayog sa daluyong. Hanggang nasa malayo na pala ako. 

​

Palutang-lutang. Palangoy-langoy. Hihinga, pipigilan ang hininga para sa paglubog. Aahon. 

​

Tapos aawat kasi nangawit na. Pero babalik uli kapag nakapagpahinga. 

© 2015 Sielyandre 

Hola! All photos in this website are original. They cannot be downloaded or zoomed in, sorry for that. But if you wish to buy or use them, I could send you the raw file. Apir!

bottom of page