top of page

Pag-isod

Pang-uri: pag-usad nang kaunti; paggalaw nang bahagya

Minsan gusto nating tumakbo, lumipad, lumangoy, tumakas sa lugar kung nasaan tayo. Pero nakikita natin ang mga sarili sa posisyon kung nasaan din tayo kahapon. 'Yung tipo ng pwesto na sinusuka na natin. 'Yung pook na nagtatali sa atin. 'Yung syudad o probinsyang hindi natin maiwan-iwan. 

​

Bakit?

​

May dahilan kang manatili sa parehong paraan na may dahilan din akong umalis. Siguro pinili mo ang lugar na iyan dahil mas matimbang ang sasabihin ng ibang tao. O siguro kaya ka nandyan ay dahil wala kang pakialam sa sasabihin ng lipunan. Anupaman ang iyong naging dahilan, napadpad ka sa pahina na ito. 

​

Naglalayon ang mga litrato na dalhin tayo sa kung saan abutin ang gasolina at perang pamasahe o kung hanggang saan ang kabaitan ng mga nagpasakay sa atin. 

​

(Pinili ang litrato sa header dahil ang lahat ay work-in-progress, mga lugar na dadaanang lubak, may mga tutulong na makaahon sa dalisdis na daan, maputik, mabato, mabuhangin, hindi kaaya-aya, papatay ng puno at halaman para makapagtayo ng kalsada.)

'Sing halaga ng paroroonan ang paglalakbay.

Lupa

Sikad, rela, motorsiklo, bisikleta, tricycle, kotse, bus, habal-habal, etc.

+

Tubig

Bangka, barko, balsa, pump boat, de sagwan, isang katig, panglaot, etc.

+

Hangin

Airbus, helicopter, glider, 2-seater,

etc.

+

Mga 'di kapani-paniwalang kwento at iba pa.

June 2, 2020

Ilang taon ko ring hininto ang pagbisita sa website na ito. Ngayon ako ay nagbabalik bitbit ang mga 'di kapani-paniwalang kwento at iba pa :)

© 2015 Sielyandre 

Hola! All photos in this website are original. They cannot be downloaded or zoomed in, sorry for that. But if you wish to buy or use them, I could send you the raw file. Apir!

bottom of page