
Camiguin
Tatlong beses kitang binalikan. Tatlong paraan din para ika'y mapuntahan. Una, mula Butuan papuntang CDO. Pangalawa, nilipad ka naman galing Cebu. At sa pangatlo, bus galing Davao City tapos ferry sa Balingoan Port. Kahit gaano pa kahaba ang byahe papunta sa'yo, ang mga paa ko'y sa'yo pa rin patungo.
Kung susumahin, isang buwan din ang tinaggal ko, namin, sa lupa, tubig, hangin mo. Pero parang kulang ang mga litrato na ito para sumahin ang isla.
P.S. Dalawang bahagi ang post tungkol sa Camiguin. Ang una ay lumalaman sa mga tanawin at species ng lugar. Ang pangalawa ay tungkol sa mga tao nito at sa mga taong nakasama sa paglalakbay. Maraming litrato ang sadyang hindi isinama.
Note sa sarili: Isang long overdue na submission hindi dahil maraming ibang gawain kundi dahil hindi alam kung alin ang ipapakita sa iba at kung alin ang itatago sa alaala.